Sa mga hindi nakakaalam, ang San Miguel Corporation ang unang lumikha at nagpausbong sa tatak ng Magnolia ice cream sa Pilipinas noon pang dekada 1920. Hanggang ngayon, ang San Miguel pa rin ang nagmamay-ari sa pangalan at kilalang logo ng Magnolia sa Pilipinas.
Ganunpaman, may pamilya sa California ang nagsimulang gumamit sa pangalan at kaparehong logo ng Magnolia noong 1970s. Ang pangalan ng pamilyang ito ay Quesada at ang tawag nila sa kanilang kumpanya ay Ramar.
Habang may nangyayaring corporate restructuring sa SMC noong 1990s, nakuha ng Ramar na iparehistro ang Magnolia sa Estados Unidos. Sa kanilang aplikasyon, sinabi nila na ang “First Use in Commerce Anywhere” ng Magnolia ay 1972. Sa laking gulat ng marami, binalewala ng mga Amerikanong trademark examiner na ang totoong petsa ay 1920s.
Hanggang ngayon, ang nakararami sa ating mga kababayan ay nag-aakalang ang “Magnolia” ice cream na binibili nila sa Estados Unidos at Canada ay ang produktong kinalakihan ng mga Pinoy sa Pilipinas. Mali ang pag-aakalang ito. Kahit pareho ang logo, walang kinalaman ang San Miguel Philippines sa paggawa ng Ramar ng ice cream o anupamang frozen meats. Iba ang sangkap. Iba ang teknolohiya. Iyan rin ang dahilan kung bakit walang AlDub flavors tulad ng Avocado Macchiato na mabibili sa Amerika.
Ito ang memorandum na ipinalabas ng Ninth Circuit Court sa isang kaso na kinasasangkutan ng Ramar Foods at San Miguel Philippines. Read more